Huwebes, Pebrero 27, 2014

POOK BAKASYONAN (ILOILO)


HALINA’T TUKLASIN NATIN 
ANG GANDA NG ILO-ILO


May naisip na ba kayong lugar kung saan kayo magbabakasyon?

Kung wala pa ay subukan na ang ganda ng lalawigan ng Ilo-Ilo




SAAN MATATAGPUAN ANG ILO-ILO


 Ang Ilo-Ilo ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Kanlurang Visayas.na mas kilalang ‘’Heart of the Philippines’’ at ang lungsod naman nito ay mas kilala bilang ‘’City of Love’’dahil sa hugis nitong puso.






ANO ANG TAWAG SA MGA TAGA-ILO-ILO?

Kilala ang mga taga-ilo-ilo bilang ilonggo at ilonggo din ang kanilang wika na pormal na kilala bilang Hiligaynon.hinggil sa kasaysayan nito bilang isang mahalagang puerto,mga meztiso ang maraming ilonggo o taong may halong kastilang dugo.




PAANO MAKAKAPUNTA SA ILO-ILO?

*Ang Ilo-Ilo ay may sariling airport kaya maari kayong sumakay ng eroplano para mapabilis ang inyong biyahe.Aabot sa 1 oras ang biyahe kung kayo ay galing sa Manila at 30 minuto naman kung kayo ay galing sa Cebu.
*Mula sa airport maari kayong sumakay ng taxi sa halagang (P 200-300) aabot lamang ito ng 45 minuto sa biyahe.Kung marami naman kayo ay maaari kayong rumenta ng multicab,marami na kayong makakaupo
P 300 lang ang bayad.





ANO AT SAAN PWEDENG KUMAIN?

Kayo ay hindi mahihirapan sa paghahanap ng makakain dahil halos kaliwa’t kanan ay may makakainan dito.
Sa La Paz Public Market ay may matatagpuang pinakamasarp na Ultimate Iloggo Comfort Food,
ang BATCHOY,sa halagang P45.00 per bowl ay sulit na sulit ang pera mo sa sarap ng sabaw at halu-halong sahog nito.




SAAN PWEDENG TUMULOY?

*Sa Hotel de Rio sa may M.H. del Pilar St. Molo,Ilo-Ilo ay pwedeng magpahinga.Para sa iyong pamilya o di naman kaya ay para sa iyong kabarkada ay mayroon silang Deluxe King Room na nagkakahalagang
 P 4,200 maari nang magpahinga ang 4 na tao sa isang gabi,at ito rin ay mayroong bathtab at swimming pool.






ANO AT SAAN PWEDENG MAKABILI NG PASALUBONG?


Sa may De Ocampo’s Barquillos ay maari kang makabili ng BISCOCHO,PINAGSUGBO,
BUTTER TOAST at iba pa.Sa halagang P100 ay marami ka ng mabibili.





AKTWAL NA MAGAGASTOS PARA SA PAGPUNTA DITO




TRANSPORTATION                                                          P 2,000

ACCOMODATION                                                            P 1,500

FOOD                                                                                   P 1,500

PASALUBONG                                                                   P 200
________________________________________________________________________


TOTAL:                                                                                  P 7,000