HALINA’T TUKLASIN NATIN
ANG GANDA NG ILO-ILO
May naisip na ba kayong lugar kung saan kayo magbabakasyon?
Kung wala pa ay subukan na ang ganda ng lalawigan ng Ilo-Ilo
SAAN MATATAGPUAN ANG ILO-ILO
Ang Ilo-Ilo ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan
sa rehiyong Kanlurang Visayas.na mas kilalang ‘’Heart of the Philippines’’ at
ang lungsod naman nito ay mas kilala bilang ‘’City of Love’’dahil sa hugis nitong
puso.
ANO ANG TAWAG SA MGA TAGA-ILO-ILO?
Kilala ang mga taga-ilo-ilo bilang ilonggo at ilonggo din
ang kanilang wika na pormal na kilala bilang Hiligaynon.hinggil sa kasaysayan
nito bilang isang mahalagang puerto,mga meztiso ang maraming ilonggo o taong
may halong kastilang dugo.
PAANO MAKAKAPUNTA SA ILO-ILO?
*Ang Ilo-Ilo ay may sariling airport kaya maari kayong
sumakay ng eroplano para mapabilis ang inyong biyahe.Aabot sa 1 oras ang biyahe
kung kayo ay galing sa Manila at 30 minuto naman kung kayo ay galing sa Cebu.
*Mula sa airport maari kayong sumakay ng taxi sa halagang (P
200-300) aabot lamang ito ng 45 minuto sa biyahe.Kung marami naman kayo ay
maaari kayong rumenta ng multicab,marami na kayong makakaupo
P 300 lang ang bayad.
P 300 lang ang bayad.
ANO AT SAAN PWEDENG KUMAIN?
Kayo ay hindi mahihirapan sa paghahanap ng makakain dahil
halos kaliwa’t kanan ay may makakainan dito.
Sa La Paz Public Market ay may matatagpuang pinakamasarp na
Ultimate Iloggo Comfort Food,
ang BATCHOY,sa halagang P45.00 per bowl ay sulit na sulit ang pera mo sa sarap ng sabaw at halu-halong sahog nito.
ang BATCHOY,sa halagang P45.00 per bowl ay sulit na sulit ang pera mo sa sarap ng sabaw at halu-halong sahog nito.
SAAN PWEDENG TUMULOY?
*Sa Hotel de Rio sa may M.H. del Pilar St. Molo,Ilo-Ilo ay
pwedeng magpahinga.Para sa iyong pamilya o di naman kaya ay para sa iyong
kabarkada ay mayroon silang Deluxe King Room na nagkakahalagang
P 4,200 maari nang magpahinga ang 4 na tao sa isang gabi,at ito rin ay mayroong bathtab at swimming pool.
P 4,200 maari nang magpahinga ang 4 na tao sa isang gabi,at ito rin ay mayroong bathtab at swimming pool.
ANO AT SAAN PWEDENG MAKABILI NG PASALUBONG?
Sa may De Ocampo’s Barquillos ay maari kang makabili ng BISCOCHO,PINAGSUGBO,
BUTTER TOAST at iba pa.Sa halagang P100 ay marami ka ng mabibili.
AKTWAL NA MAGAGASTOS PARA SA PAGPUNTA DITO
TRANSPORTATION P 2,000
ACCOMODATION P
1,500
FOOD P
1,500
PASALUBONG P
200
________________________________________________________________________
TOTAL: P 7,000
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento